Wednesday, January 12, 2011

Isyu 2011: Fashion, Negosyo, Hos'patay'

FASHION 2011

Tinalakay sa pagpasok ng bagong taon ang mga paraan ng pagpapaganda at paghubog sa malikhaing isip sa mundo ng fashion. Bukod sa mga makukulay at kakaibang style na damit, inalam din ng Isyu Ngayon ang tamang paraan ng paglalagay ng make-up, gayundin ang nababagay na damit base sa personalidad.


NEGOSYO

Laking tuwa ng sinaunang tao ang pagkadiskubre sa apoy. Bukod kasi sa kahalagan ng apoy sa pagluluto, mahalaga rin ito sa pagkakaroon ng liwanag at pagpapainit tuwing taglamig. Pati rin pala sa negosyo, puhunan na rin ang apoy. Ang mga nagtagumpay sa negosyong may kinalaman ang apoy, ibinida rin!


HOS'patay'

Ang kwento ng mag-asawang Santiago at Medita mula sa Sual, Pangasinan ang nagbukas sa Isyu Ngayon upang siyasatin ang mga usaping etikal na kinasasangkutan ng mga ospital. Dahil daw sa pagtanggi at kapabayaan ng dalawang ospital, hindi naagapan ang hiwa sa ulo na tinamo ng anak na si Renie dahil sa pamamalakol ng isang ex-convict. Nasawi si Renie. Pero inalam rin ng Isyu Ngayon kung ano ang mga prinsipyong pinaiiral ng mga ospital, pampubliko man o pribado, sa paggamot at pagsagip sa buhay ng tao.

No comments:

Post a Comment